top of page

Ingles: “Global na Wika”

  • urosaph
  • Sep 30, 2017
  • 2 min read

Artikulong ito, hindi niya tinutukoy na global language ang Ingles, ngunit ito daw ang pinaka malapit na mayroon sa mundo bilang isang global language .

Sa kanilang pananakop, napalaganap ng mga Ingles at mga Amerikano sa buong mundo ang kanilang wika. Ngayon, na kahit halos wala ng mga tradisyonal na mga kolonya, mayroon ng pagong paraan ng pananakop. Ang pananakop ng pagiisip. Maikakatwiran na hindi pa rin tayo pinapakawalan ng mga Amerikano, at mukhang wala silang plano na palayain tayo. Ang mga Pilipino ay mayroong pagiisip na kolonyal. Tumitingala tayo sa kanluran, sa kanilang kultura at wika. Niloloko natin ang sarili natin kung sasabihin natin na tayo’y tunay na malaya. Di pa natin nakakamit ang kalayaan, kapit pa din tayo sa Estados Unidos. Mahal na mahal natin ang kanilang kultura; higit pa sa pagmamahal natin sa ating sariling kultura.

Higit pa sa kultura ay ang ating ekonomiya at sandatahang lakas ay nakasalalay sa kanila. Patuloy tayong lumuluhod sa mga kumpanyang amerikano upang sila ay ating mapasaya. Sila ay isa sa ating pinaka malaking kasama sa kalakal, at dahil doon ang ating ekonomiya ay hawak nila. Subalit, ang kanilang pagkakadena sa ating ekonomiya ay unti-unting lumuluwag, sa ating patuloy na pagsisikap sa pag gawa ng mga mabubuting relasyong pang ekonomiya sa ibang mga bansa.

Pagdating naman sa Sandatahang Lakas, karamihan ng ating mga armas at sasakyang pang digma ay binili natin sa kanila. Ang mga makaluma nilang mga barko at Eroplano( C-137) ay “pinapamigay” nila sa atin ng may kapalit na bayad. Ang mga baril ng ating mga sundalo ay import mula Estados Unidos kahit naman mayroong mga Pilipinong kumpanya na nakagawa na ng maayos na Assault Rifle. Kung mayroon problema, saan tayo tatakbo? Sa Kanila!

Maikakatwiran na tayo ay hawak pa din ng Estados Unidos sa kanilang mga bisig.Hawak nilang mahigpit ang ating Kultura,Ekonomiya, at Sandatahang lakas

Comments


bottom of page