top of page

Wikang Pambansa ayon sa Saligang Batas

  • urosaph
  • Sep 30, 2017
  • 1 min read

Sa artikulo niya para sa Rappler, ipinakita ni Nigel Tan ang mga pagbabago sa depenisyon ng ating wikang pambansa sa konteksto ng saligang batas. Ipinakita niya ang pabagobagong depenisyon ng iba’t ibang mga saligang batas sa iba’t ibang mga panahon.

Sinimulan niya sa konstitusyon ng Republika ng Malolos ang pagsalaysay sa kwento ng ating pambansang wika. Ayon daw sa 1899 na saligang batas, walang tinutukoy na wikang kinakailangan aralin at gamitin ng lahat; ngunit pagdating sa mga opisyal na mga gawain ng pamahalaan, Espanyol ang gagamitin.

Sa saligang batas ng 1935, unang nakita ang hangarin na magkaroon ng isang pambansang wika. Subalit, hindi ito tinukoy, isnaad lang sa konstitusyon na dapat gumawa ng mga hakbang ang pamahalaan patungo sa pagbuo ng isang pambansang wika. Bunga ng 1935 saligang batas,noong 1937, natukoy ng INL(Institute of National Language) ang Tagalog bilang ang basehan ng pambansang wika.

1943, ginawang purong Tagalog ang pambansang wika bilang sangkap sa planong pagbubura ng mga kulturang kanluranin mula sa Pilipinas ng mga Hapon.

Sa panahon naman ng Martial Law, ninais ng pamahalaan na palitan ang lumang pambansang wikang tinawag ng “Pilipino”. Nakasaad sa 1973 na saligang batas na ang Batasang Pambansa ay gagawa dapat ng mga hakbang upang makagawa ng bagong pambansang wika: “Filipino”.

Huli, ang pambansang wika ng 1987 na saligang batas. Ang pondasyon ng aming pinaglalaban. Hindi purong Tagalog ang pambansang wika, kundi halo ng lahat ng mga kultura sa Pilipinas.

Proyeba ang mga isinulat ni Tan na ang ating pambansang wika ay buhay,nagbabago, at nakikiangkop sa panahon.

https://www.rappler.com/newsbreak/iq/65477-national-language-philippine-constitutions

Comments


bottom of page